Artist Name: # A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
Song Title: # A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z



Top Suzara - Magpakailanman Lyrics

Naaalala
Tayo'y magkasama
Ika'y kapiling
O, anong saya

Di maunawaan
Kung bakit lumisan
Nahihirapang
Tanggaping wala ka na

[Refrain]
Ngunit ramdam kong nariyan ka
Nararamdaman kong di ka naman nawala

[Chorus]
Alam kong naririyan ka lang, aking mahal
Di ko (inakala/inasahan) na magiging ganito
Ngunit sa bawat luha ko, aking mahal
Alam kong naririto ka't ika'y makakasama

Sana'y sinabi
Ang di ko nasabi
At sana'y nagawa ko
Lahat ng di ko nagawa

Para mapakita
Sa'yo ng lubusan
Na sa aking buhay
Ikaw ay mahalaga

[Refrain 2]
Ngayon ay wala nang paraan
Para ika'y makayakap at muling mahalikan

(Repeat Chorus)

[Bridge]
Lagi-lagi kong pinagdarasal
Na sana'y pagbigyan ng maykapal
Na muli kang makausap kahit sandali lang
Para magpasalamat at masabing minamahal kita…
Patawarin mo sana…

(Repeat Chorus)

[Coda]
Alam kong naririyan ka lang aking mahal
Di ko inaasahan na magiging ganito
Ngunit sa bawat luha ko, aking mahal
Ay naalala ko na ang pagmamahal mong totoo
Tulad ng pagmamahal sa'yo ay hindi maglalaho
Magpakailanman…
Magpakailanman



Top Suzara lyrics