Artist Name: # A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
Song Title: # A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z



Gloc 9 - Upuan ft. Jeazell Grutas Of Zelle Lyrics

Below you can find the popular Upuan lyrics performed by Gloc 9. We have tried to make the Upuan song lyrics as accurate as possible and hope you enjoy them.

Jeazell:
Kayo po na nakaupo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh (gloc)

Gloc 9:
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At nakapilang mga mamahaling sasakyan

Mga patay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang nakabarong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong

At ang kanin ay singputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa la mesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Ang sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan

Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na kung may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigwan

Jeazell:
Kayo po na nakaupo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

Gloc 9:
Mawalang galang na po sa taong nakaupo
Alam nyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo

Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takureng uling uling
Gamit ang panggatong na inanod lamang sa estero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo

Ang aking inay na may kayamanang isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumuweldo
Pero kulang na kulang pa rin
Ulam na tuyo't asin

Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod o nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera nyo walang doktor na makapagpapalinaw ng mata nyo kaya

Jeazell:
Wag ka masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
Bato-bato bato sa langit

Ang matamaan ay wag masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Wag kang masyadong halata



Gloc 9 lyrics