Artist Name: # A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
Song Title: # A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z



Liriko - Banat ft. Jho Of Liriko Lyrics


Play this lyric! Play this song




Send "Banat" Ringtone to your Cell

JHO:

ang paggawa at pagsulat ng mga naiisip ko na liriko
ay nagmula na ngang lahat dito sa pag-iisip ko
ang malupet at malikhain pero di nagyayabang
eto pagmamalaki ko pa ako'y isang mahirap lang

tirahin man ako ng mga kritiko kahit ilan pang beses
dila ko'y itutuloy kahit mamaos aking boses
at ang aking adhikain ay mamulat ang lahat
hindi katulad ng nais mong sa kasikatan ay atat

kung pabilisan ang paghamon ako po'y hindi uurong
letra ko ay ilalaban, liriko ay isusulong
suyurin man mula Arayat at umabot ng Kalentong
liriko'y ikakalat, itatatag sa Mandaluyong

ang pangarap mong minimithi maging isang tanyag
na magaling na rapper pero ang isip mo ay bulag
ang letra mong pinaghirapan ay bakit walang saysay
dinggin mo ang yong mensahe, puro kayabangan lang sa buhay


LIL_SISTAH:

ngayon, ang puso mo'y naghahanap na lang
ng away at gulo ano ang nararamdaman
bakit di muna hanapin kung ano ang dahilan
salitang binibitawan dapat mo lang pag-ingatan



JHO:

ang malalalim na alam mo, alam mong di mo tinuklas
kundi kinopya lang sa rapper na gustong mag-aklas
at humingi ka pa nga ng tulong para lang ma-kumpleto
humakot ng sablay na mga letra na hindi naman concreto

mula sa beat ay paganahin na, laman ng iyong utak
paandarin parang kotseng sirang kailangan pang itulak
ang bunganga mong parang tambucho'y dapat tahiin
mga polusyon ng letra mo dapat na nating tanggalin

nang marinig ko na ang mga banat mo ako'y kinilabutan
para kong natatae dahil sa sobrang katuwaan
kasi naman mga letra mo ay sobrang layo na sa beat
dinaig mo pa sa katatawanan, mga letra kong binuo PANGIT

bakit di kasi aminin na mababagal lang ang kaya mo
wala ka na ngang patawad, baguhan lang kinakaya mo
sige nga, tignan ko nga, labas mo naman ang yong galing
na ginawa ng mahinhin na rapper na isang bading


LIL_SISTAH:

ngayon, ang puso mo'y naghahanap na lang
ng away at gulo ano ang nararamdaman
bakit di muna hanapin kung ano ang dahilan
salitang binibitawan dapat mo lang pag-ingatan



JHO:

mula sa jeep patungong edsa ay iyong maririnig
ang malulupet na mga kataga, galing sa aking simpleng tinig
hindi katulad ng mga nagbabaga, nakakasawang pakinggan
kaya eto ang mga bago kong ipapauso nanaman

kung ang letra mo ay nagbabaga at laging nag-aapoy
pwes ang letra ko ay tubig na sa inyo ko isasaboy
nang mahimasmasan kayo sa mga nagbabagang panaginip
tigilan na ang pag-istambay nang hindi ka mainip

gumawa't sumulat ka ngayon nang may kabuluhan
isantabi mo muna ang sarili mong kapakanan
ito ay payo na nagmumula sa tapat mong kaibigan
makinig man o hindi, sori na lang sa tatamaan

ano pa bang hinihintay mo dyan, bat di mo simulan
ang mga sinasabi ko ngayon kung susuriin may laman
ang mensaheng nagmumula ngayon kay jhojhong liriko
ang hamunan dito sa laro dapat paghandaan mo!!!


LIL_SISTAH:

ngayon, ang puso mo'y naghahanap na lang
ng away at gulo ano ang nararamdaman
bakit di muna hanapin kung ano ang dahilan
salitang binibitawan dapat mo lang pag-ingatan



JHO:

sa pamamagitan ng mga salita kong talagang walang kasing bilis
gaya ng mga pangungusap ko talaga namang walang kasing bangis
habulin mo man ang bigat ng mga kataga ko sa inyo'y magpapaalis
aralin mo munang mabuti ang mga letra mo nang hindi ka masabihang panis

ang mga banatan na pinakawalan ko ay sa mga bataan na mga hambog
titigan mo man ng malapitan ang mga sinasabi ko nang ika'y mabusog
matatalinghangang mga salita na di mo malaman kung san nagmula
layunin ng awit na mga binuo may kabuluhan sana ang yong mga tula

Send "Banat" Ringtone to your Cell

Liriko lyrics