Lhirikoh - Kilalanin ft. Insolent One, Chinito, Gatilyo, Jho Lyrics
Insolent One:
ako nga pala si insolent one
na nagmula sa lhirikoh, inyong pakinggan
ang boses ko ngayon mainit, naglalagablab
para sa mga kalaban na nagpapasiklab
at kung gusto mo naman, ako'y iyong pagmasdan
huwag mo nang subukan, baka ikaw ay masaktan...
talentong nakatago akin ng bubuksan
hindi katulad ng iba na walang pinatunguhan
pinanganak akong mahusay, talento ang taglay
ang sumubok sumagupa'y nagkaron ng saklay
siguro naman, akin ng napatunayan
na hindi ka abot sa kin, di kayang sabayan
doon sa nagbabalak na lhirikoh ay kalabanin
wag mo ng pilitin di mo kami kakayanin
partida pa yan ito'y wala sa kalingkingan
ng aking nalalaman na mula sa king isipan
Cho: (Chinito)
sa lhirikoh kami mga mata'y biglang namulat
mga matatalinghanggang mga salita'y isasambulat
unahin mo kami na ngayon ay kilalanin
mga kataga'y kainin, letra mo'y lalampasuhin
Gatilyo:
Gatilyo aking pangalan mula sa LHIRIKOH
Di nyo kayang buwagin ang matatag na grupo ko
sa Mandaluyong lumaki at nakilala
kaya ngayon di nyo na kayang pigilan pa
Bata lang ako pero di nyo kakayanin
pag bumanat na ako di nyo na kaya pang awatin
dahil pag ako bumibira, sa kin ay naiiba
ang mga kalaban ko ay akin nang itinumba
Ang liriks kong ito, ngayon pinaghusayan
pinag-agawan ng maraming kabataan
iniidolo na para bang si Piolo
pag ako nakahubad na parang nakapolo
kaya ngayon makinig bago magtapos
kasi ang rap ko hindi malalaos
na para bang isang sapatos na aking sinuot
kalaban ko kasi ngayon na para bang supot
Cho: (Chinito)
sa lhirikoh kami mga mata'y biglang namulat
mga matatalinghanggang mga salita'y isasambulat
unahin mo kami na ngayon ay kilalanin
mga kataga'y kainin, letra mo'y lalampasuhin
jho:
inyong pakingggan... ang mga binabanggit
inyong pagmasdan... ang kamandag kong bitbit
pagkat lahat sa akin ay tila nagpupumilit
ang dila nila ngayon ay namimilipit
hayan tuloy ang napala kami ay binangga
eh nanghiram ka lang ng tapang sa alak mong tinungga
nasan ka na, wala ka na.. hahanapin ka pa ba?
hindi na... jan ka na... baka makahawa ka pa...
lahat ng aking sasabihin ay kilalanin
upang malaman naman ng lahat kung sinong dudurugin
wala na kong dapat na santuhin kayo ay tutugisin
pagkat si jhojho... pinapalis mga uhugin
ngayon ay nabigla ka ba sa aking pagsambulat
letrang inuikit, lhirikoh ay inilapat
Gatilyo, at Chinito at si Insolent One
lhirikoh ang siyang hahatol... papalag ka ba jan???
Cho: (Chinito)
sa lhirikoh kami mga mata'y biglang namulat
mga matatalinghanggang mga salita'y isasambulat
unahin mo kami na ngayon ay kilalanin
mga kataga'y kainin, letra mo'y lalampasuhin
Lhirikoh lyrics
