Lhirikoh - Umaasa (love You So Tagalog) ft. Chinito, Insolent Uno, Jho, Lil Sistah Lyrics
CHINITO:
di ba sinabi mo na ako'y sasagutin
ako'y naghihintay ngunit ngayo'y wala pa rin
pero ako ay nagtiis gaano man katagal
mukhang ang panliligaw ko sayo'y bigla mong niluwal
ginawa ang lahat-lahat ikaw lang ay lumigaya
pagsagot mo lang ng Oo bakit di mo pa makaya
tanging hiling ko lang na ikaw ay makasama
na ang puso't buhay ko'y tuloy-tuloy na ang ligaya
wag mo sanang lilimutin na maghihintay pa rin
na ikaw ay makapiling yan ang tangi kong dalangin
sana nga ay marining mo at ako ay mahalin
gabi-gabing nagdarasal yan ang aking panalangin
sana paggising ko mangyari na ang lahat
ang puso kong tulog sagot mo lang magpapamulat
sana ikaw ay dumating pangarap ko ay matupad
nang malambot mong pisngi ay dumampi sa aking palad
LIL_SISTAH:
ngayon ang puso ko'y umiibig na muli
sa iyo oh giliw at kahit na ika'y lumayo
ang pab-big mo'y narito iingatan palagi
INSOLENT UNO:
ngayon na nakamit ko na ang huling pagkakaton
na makasama ka sa buhay ko nang habang panahon
walang dapat tayong isipin at wala nang pangamba
pagkat ito'y pangako ingatan ang isa't isa
ano ba? bakit bigla na lang napako
pagmamahalan na kay tamis bigla na lang naglaho
nang tuluyan at lumayo sa aking piling
dahil di mo ninais na ikaw ay mapa sa kin
hahamakin ko ang lahat para sa'yo
kahit ayaw mo sa kin pipilitin ko ito
imposible man ay akin tong gagawin
basta ang mahalaga ay muli kang mapa sakin
mapansin, mo naman ang aking pagsususmamo
kahit na ika'y lumayo, ito lang ang pangako
na ako ay laging naririto
handang lahat gawin para lamang sa iyo
LIL_SISTAH:
ngayon ang puso ko'y umiibig na muli
sa iyo oh giliw at kahit na ika'y lumayo
ang pab-big mo'y narito iingatan palagi
JHO:
ngayon ay nakatulala na lang sa salamin
at di ko namalayan, at hindi ko napansin
ang oras ay tumatakbo na para bang isang bagyo
paglingon ko sa tabi ko bigla ka na lang lumayo
hinanap kita, ipinagtanong ang yong pangalan
pinuntahan kita maging sa dating tagpuan
nawalan na ng pag-asa at ako'y nabigo
tila pagmamahal mo sa kin ay tuluyan nang naglaho
at gano'n ba talaga na sobrang bilis
ang lambingan natin na napakatamis
kung sana'y maibabalik ko ang panahon
yakap kong mahigpit sa'yo lang itututon
hahawakan kong maigi ang iyong kamay
para pag-ikot ng mundo'y hindi ka na muling mawalay
imahinasyon kong ito tila isang kahibanagan
ang mahawakan kang muli hanggang pangarap ko na lamang
LIL_SISTAH:
ngayon ang puso ko'y umiibig na muli
sa iyo oh giliw at kahit na ika'y lumayo
ang pab-big mo'y narito iingatan palagi
Lhirikoh lyrics
