Lhirikoh - Ikaw (bust It Tagalog) ft. Den2x, Insolent Uno, Jho, Chinito Lyrics
DEN-DEN:
nang makita ang iyong mukha ako ay nabighani
ang iyong kagandahan ay hindi ko na mawari
parang beauty queen na sa akin natatangi
isang tingin mo lang sa akin ako'y napapangiti
sa unang tagpo ay hiningi ko ang pangalan
hindi ako nakagalaw nang iyong matitigan
pa kong namagnet sa kinatatayauan
at biglang hinimatay nung kamay mo ay mahawakan
at di nagtagal, ako sayo ay nabuhayan
sa tamis ng yong halik ay hindi ko namalayan
para akong nahulog sa kinauupuan
at biglang pakiramdam ko ay lalao nang gumagaan
sa sobrang tagal tayo ay nagkatampuhan
sa aking kalungkutan ay hindi malilimutan
na sa ating pagsasama na hanggang kamatayan
sa ating pagmamahalan na walang katapusan
JHO and CHINITO:
ikaw sa akin ang nagbibigay saya
ikaw sa akin ang nagbibigay ligaya
nais kong malaman mo na mahal na mahal kita
sana'y iyong makita at iyo nang madama
INSOLENT UNO:
ikaw lang ang akin ang nagbibigay saya
sa mundo kong ito ngayon nagkaroon na ng ligaya
ikaw ang tangi kong hangad at nais ko nang makapiling
ang buhay ko'y kuntento kapag ikaw ay mapasa'kin
mapansin mo lang ako lahat ay aking gagawin
nang masabi ko sa'yo laman ng puso ko't damdamin
dinadalangin ko sa tuwina na ikaw ay makasama
at tanging hiling ko lang na iyo nang madama
at don't you know girl, ikaw ang tangi kong pinapangarap
ang makasama ka sa buhay ko ay kay sarap
namang isipin na ikaw pala sa akin
sa panaginip ko lagi tayong magkasiping
nalulumbay ako kapag wala ka sa tabi
nag-aalala ako at hindi na mapakali
ano pa ba ang kulang para lang iyong matanto
na ikaw sa puso ko nakaukit pangalan mo
JHO and CHINITO:
ikaw sa akin ang nagbibigay saya
ikaw sa akin ang nagbibigay ligaya
nais kong malaman mo na mahal na mahal kita
sana'y iyong makita at iyo nang madama
JHO:
pinaghirapan kong iguhit mukha mo sa isang larawan
at kahit ako'y puyat ay akin tong pinaghirapan
gumawa ng mga tula na tungkol lamang sayo
pinagpuyatan kong isipin mga tugma kong liriko
ang oras ko'y ibinigay ngayon ika'y bukambibig
sa lahat ng kaibigan ko'y laman ka ng dibdib
kahit na sinisiraan ka ang puso ko'y panatag
panliligaw ko sayo noon pa man ay matatag
ngunit biglang nagbago ang trato mo sa akin
dating kasintahan sabi mo'y mahal pa rin
ngunit kahit masakit kailangang tiisin
muli kong kabiguan kailangang tanggapin
wala na kong magagawa kung anuman ang yong desisyon
ang magagawa ko lang ay ilihis aking atensyon
sana lang ang yong sarili ay wag mong pababayaan
kasi ikaw ang buhay kong nagbibigay ng kasiyahan
JHO and CHINITO:
ikaw sa akin ang nagbibigay saya
ikaw sa akin ang nagbibigay ligaya
nais kong malaman mo na mahal na mahal kita
sana'y iyong makita at iyo nang madama
CHINITO:
naaalala mo pa ba mga araw na kay saya
nakakalungkot lang ngayon kasi ika'y wala na
pero tila ba pangarap ko ngayon ay dumating
kay tagal kong nagtiis halos ako ay mapraning
nang mabalitaan ko mga nangyari sa inyo
pagmamahalan nyo daw nagkanda loko-loko
kaya ang puso ko ngayo'y nagkaroon ng sigla
ngayon ikaw ay dumating sana muli kang makasama
pero bakit ba gano'n nalilito pa rin ako
kay tagal kong pinangarap pero di ko matanto
tanging hiling ko lang naman ay makasama habang buhay
ang puso kong bato magkaroon naman ng kulay
lahat ay gagawin ikaw lang ay sumaya
handa akong maging alipin makasama lang kita
kahit gaano katagal maghihintay pa rin sinta
lahat ay kakayanin ko kasi MAHAL NA MAHAL KITA!!!
JHO and CHINITO:
ikaw sa akin ang nagbibigay saya
ikaw sa akin ang nagbibigay ligaya
nais kong malaman mo na mahal na mahal kita
sana'y iyong makita at iyo nang madama
Lhirikoh lyrics
